HEAD TEACHER, SUGATAN SA PAMAMARIL SA COTABATO!

48

Maswerteng nakaligtas mula sa tiyak na kamatayan ang isang Head Teacher matapos na pagbabariln sa Sitio Saranay, Barangay Takepan, Pikit, Cotabato kaninang umaga.
Kinilala ang biktima na si RITHCEL C. PARRENO, 42 anyos, may asawa, residente ng barangay Takepan, Pikit, Cotabato at kasalukuyang Head Teacher 1 ng Bulol High School-Annex ng Takepan National High School.
Ayon sa inisyal na resulta ng pagsisiyasat ng Pikit-PNP, minamaneho umano ng biktima ang kanyang motorsiklo papunta sa Silik National High School upang lumahok sa gaganaping MUNICIPAL MEET nang tambangan ito ng hindi nakilalang mga suspek.
Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang kanang kamay ang biktima mula sa hindi pa natukoy na uri baril.
Dahil umiral ang “presence of mind” sa guro, nagawa pa nitong magmaneho hanggang makalayo sa mga kriminal.
Patuloy ngayon ang masusing pagsisiyasat ng Pikit-PNP upang malaman kung sino ang nasa likod ng krimen habang patuloy na ginagamot ang tinamong sugat ng biktima.
Personal grudge umano ang pinakamalapit na motibo na sinisilip ng kapulisan sa insidente.(with report from Jessie Ali)

Facebook Comments