Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority Pangasinan, bahagyang umakyat sa 1.8% ang inflation rate para sa bottom 30 percent income households sa lalawigan nitong Nobyembre 2025, mula sa 1.6% na naitala noong nakaraang buwan, na siyang pinakamataas na inflation sa buong rehiyon.
Sa buong Ilocos Region, pangunahing nakaapekto sa kabuuang inflation ang Restaurants and accommodation services, 162.6 percent share or 0.81 percentage point; Housing, water, electricity, gas and other fuels, 67.3 percent share or 0.34 percentage point; at Transport, 26.9 percentage share or 0.13 percentage point.
Patuloy na minomonitor ng mga kinauukulan ang pagbabago sa presyo ng mga pangunahing bilihin upang matiyak na mapanatili ang stable na presyo ng mga ito.
Kamakailan ay sunod-sunod din ang pagmomonitor ng tanggapan ng Department of Trade and Industry sa mga pangunahing bilihin lalo na ngayong panahon ng holiday season upang matiyak na sumusunod ang mga establisyimento sa mga itinakdang pamantayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







