HEADLINE INFLATION SA PANGASINAN, TUMAAS NOONG AGOSTO

Tumaas sa 4.1% ang inflation rate sa Pangasinan ngayong Agosto mula 3.3% noong Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay Ferdinand Jocutan, supervising statistical specialist ng PSA Pangasinan, pangunahing dahilan ng pagtaas ay ang presyo ng pagkain at inuming di-alcohol (63.1%), pabahay, kuryente, tubig, at gas (24.5%), at transportasyon (9.9%).

Tumaas ang food inflation mula 2.1% sa 3.7%, habang ang renta sa bahay ay umakyat mula 3.8% sa 5.3%.

Sa transportasyon, tumaas ang gastos sa personal na gamit na sasakyan mula -4.0% sa -1.5%.

Ayon kay Irene Tactac ng Department of Agriculture–Ilocos Region, epekto ito ng mga nagdaang kalamidad na nakaapekto sa mga high-value crops gaya ng gulay at prutas.

May nakaabang na buffer stock at input upang matugunan ang epekto nito sa agrikultura.

Tumaas din ang inflation sa health, ICT, at serbisyo sa kainan at akomodasyon.

Samantala, bumaba ang inflation sa gamit sa bahay, libangan, edukasyon, personal na pangangalaga, at iba pang produkto.

Nanatili namang pareho ang inflation sa natitirang mga produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments