Inamin ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na pumoposisyon na ang health advocate at dating special adviser ng National Task Force (NTF) against COVID-19 na si Dr. Tony Leachon para maging susunod na kalihim ng Department of Health (DOH).
Si Leachon ang isa sa mga humimok kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin na sa pwesto si Health Secretary Francisco Duque III matapos ang kontrobersiyal na pagbili ng COVID-19 vaccine.
Habang ito rin ang nagsabi na tatlong bakuna lamang sa bansa ang epektibo laban sa Delta variant at hindi kasama ang Sinovac.
Ayon kay Galvez, noong nasa NTF pa si Leachon ay lagi na nitong sinisiraan si Duque at ang DOH kaya nakikita talagang gusto nitong maging susunod na kalihim ng DOH.
Agad namang sumagot dito si Leachon at sinabing isa lamang siyang ordinaryong mamamayan at nangangarap na mapaganda ang bansa sa pamamagitan ng kaniyang mga adbokasiya.
Itinaggi rin nito ang planong pagkuha sa pwesto bilang kalihim ng DOH at sinabing kuntento na siya kung ano ang meron siya ngayon.
Sa ngayon, paghimok ni Leachon sa gobyerno na ituon na lamang ang pansin sa pagtugon sa pandemya imbes na gawan siya ng isyu.