HEALTH ASSISTANCE | PNP tiniyak ang patuloy na dedikasyon sa trabaho kapalit sa pangako ng Pangulo

Manila, Philippines – Mas ipagpapatuloy ng hanay ng Philippine National Police (PNP) ang pagiging propesyunal at dedikasyon sa trabaho.

Ito ang sinabi ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde bilang kapalit ng mga ibinibigay na tulong o benepisyo ng pamahalaan sa PNP partikular na ang panibagong tulong na ipinangako ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay ang dagdag na 25 million pesos kada buwan para sa pagpapa ospital o gamot ng mga pulis.


Ayon kay PNP Chief Albayalde mananatili ang kanilang commitment sa kanilang trabaho.

Kahapon sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-117th Police Service Anniversary inihayag mismo nito ang dagdag na benepisyong medikal sa mga pulis.

Pagkatapos ng talumpati ininspeksyon rin ng Pangulo ang PNP General Hospital sa loob ng Camp Crame.

Facebook Comments