HEALTH AUTHORITIES, MULING NAGPAALALA SA PAGKAIN NG SHELLFISH PRODUCTS NA POSITIBO SA RED TIDE TOXIN

Muling nagpaalala ang pamunuan ng Department of Health, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 at Region 1 Medical Center – Toxicology Specialty Center ukol sa nananatiling pag popositibo ng lahat ng shellfish products sa Red Tide Toxin.
Ayon sa Toxicology Specialty Center 1, ang mga produktong may Paralytic Shellfish Poison o PSP ay hindi ligtas kainin.
Nagdudulot ito ng pagkamanhid, pagkahilo, paghirap sa paghinga, maging pagkamatay kung tuluyan nakaapekto ito sa katawan.
Iginiit na ang pag-iwas sa pagkain ng mga shellfish products partikular ang mga nanggagaling sa Bolinao at Anda, hanggang hindi pa idinideklarang ligtas na muli itong kainin.
Samantala, malaya mula sa Saxitoxin ang mga baybayin ng Infanta, Sual, Bani, at Alaminos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments