HEALTH AUTHORITIES NAGBABALA SA KASO NG GASTROENTERITIS

Nagbabala ang mga health authorities kaugnay ng pagtaas ng mga kaso ng gastroenteritis sa gitna ng patuloy na matinding init ng panahon.
Sa bayan ng Mangaldan, naitala ang anim na kaso ng gastroenteritis mula Mayo 12 hanggang Mayo 18, ayon kay Municipal Health Officer Dr. Larry B. Sarito.
Aniya, posibleng sanhi ng mga kasong ito ang pagkonsumo ng panis na pagkain o maruming inuming tubig, lalo na’t mas mabilis masira ang pagkain dahil sa init ng panahon.
Dahil dito, muling nagpaalala si Dr. Sarito na ugaliing uminom ng sapat na malinis na tubig, magpahinga, at panatilihing malusog ang katawan upang makaiwas sa mga sakit na nauugnay sa mainit na klima.
Samantala, nagbabala rin ang opisyal hinggil sa pagtaas ng mga kaso ng flu-like illnesses at cerebrovascular diseases, gaya ng altapresyon at iba pang komplikasyong maaaring lumala dahil sa labis na init ng panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments