Pinapaalalahan ng awtoridad ang mga magulang ngayon kaugnay sa nakikitang pagtatampisaw ng mga bata sa pagbaha dito sa Dagupan City dahil nga mas mataas ang lebel ng tubig ngayon at sinasabayan pa ng ulan na para sa mga bata ay nakakatuwa at kaenjoy enjoy.
Sa naging pagsusuyod ng IFM News Team sa lungsod kapansin pansin ang mga batang naliligo o nagsiswimming sa malalim na tubig baha at tila nagdadive pa ang mga ito ay alarma naman ang dulot nito sa mga health authorities lalo na at ang tubig baha sa Dagupan ay napapabalitang nagkakaroon na ng masangsang na amoy dagdag pa ang karumihan nito.
Kaya naman pinaalalahanan ang mga magulang na huwag hayaang maligo ang kanilang mga anak sa tubig baha at tubig ulan dahil sa banta ng sakit na leptospirosis na maaari nilang makuha.
Matatandaan na ang ibinibigay ng doxycycline ng CHO, ito ang capsule na para sa mga patuloy na sumusuong sa tubig baha, ay hindi maaari sa mga bata edad 17 pababa. Para sa mga batang may alipunga, tanging ointment lamang umano ang maaari para sa kanila.
Samantala, ang sakit ng leptospirosis ay nakukuha sa paglusong sa baha o pag-inom ng tubig na contaminated sa ihi ng mga hayop tulad ng daga na may leptospira.
Kung wala namang importanteng gagawin sa labas ay mainam at ligtas na manatili na lang sa inyong mga kabahayan. |ifmnews
Facebook Comments