Labing tatlong araw bago sumapit ang pasko, kapansin pansin na ang dagsa ng mga bumibili ng pang regalo sa mga malls at tiangge.
Dahil dito, nagpaalala ang Department of Health-Center for Health Development Region 1, sa mga mamimili ng mga panregalong laruan.
Ayon sa ahensya, maging mapanuri sa binilihing laruan na pang regalo dahil baka ito ay mayroong mataas na na na lead o cadmium content.
Ayon kay CHD 1 Spokesperson, Dr. Rheuel Bobis, maaari umanong makaranas ng panghihina, o magkaroon ng anemia o mas malala na madamage ang kidney sakaling maexpose sa mataas na lead-content.
Dagdag pa riyan, nakakapagtala rin ng kaso ng choking o pagkalason ang ilang batang nakakatanggap ng regalo na hindi akma sa kanilang edad.
Samantala, panawagan ng awtoridad na tangkilikin ang mga produktong dumaan sa tamang proseso at may sertipikasyon mula sa Food and Drug Administration. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨