HEALTH AUTHORITIES SA REGION 1, NILINAW NA HINDI AIRBORNE ANG MPOX

Nilinaw ng Department of Health-Center for Health Development na hindi airborne ang transmission ng viral disease na monkey pox o MPOX matapos ang kumpirmadong kaso ng sakit sa Tagudin, Ilocos Sur.
Ayon kay Dr.Rheuel Bobis, direct o skin to skin contact sa taong may MPOX tulad ng bodily fluids at materyales na kontaminado ng virus ang maaaring maging transmission sa ibang indibidwal.
Ilan sa mga sintomas ng sakit ang nasa dalawa hanggang apat na linggong pamamaga ng lymph nodes at pantal na may nana, taliwas sa pinaniniwalaang sintomas na nosebleed, ubo at namumulang mata.
Dagdag ng opisyal, mahalagang mabigyan ng sapat na kaalaman ang publiko ukol sa sakit upang hindi madaling maniwala sa mga haka-haka na posibleng pagmulan ng panic. Sa kasalukuyan, patuloy na minomonitor ang kalagayan ng pasyente sa isang pasilidad at patuloy na sumasailalim sa gamutan.
Hinihikayat ng awtoridad ang publiko na pagtibayin ang healthy lifestyle bilang depensa sa anomang sakit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments