Health benefit package sa mga atleta, isusulong sa Kamara

Manila, Philippines – Isinusulong sa Kamara na bumuo ng benefits package ang PhilHealth para sa mga aktibo at retiradong atleta sa bansa.

Kukunsultahin ng mababang kapulungan ang PhilHealth para makahanap ng paraan upang magkaroon ng benepisyong pangkalusugan ang mga atleta sa Pilipinas.

Tinukoy dito na ang mga atleta sa bansa ay mayroong espesyal na pangangailangan at kadalasang nagtatamo ng injuries ang mga ito dahil sa matinding pag-eensayo at paglahok sa laro na nangangailangan din ng pisikal na lakas.


Mas nakakaranas din matinding physical at mental stress ang mga atleta dahilan kaya mas kailangan na bumuo ng benefits package sa mga manlalaro ng bansa na kanilang magagamit lalo kapag sila ay nagretiro na.

Makikipag-ugnayan ang Kamara sa PhilHealth, Philippine Sports Commission (PSC), Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) para magparehistro ang mga ito at magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga benepisyong maaaring makuha ng mga atleta lalo na ang mga nasa probinsya.

Facebook Comments