Ipinahahanda ni Albay Rep. Joey Salceda ang health capacity ng bansa bago desisyunan na luwagan ang lockdown restrictions.
Ayon sa kongresista, nasa kamay naman na ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) ang desisyon kung ibababa ang alert level sa Metro Manila dahil sila rin naman ang naglalatag ng panuntunan para dito.
Ngunit ipinakukunsidera ng mambabatas ang pagkakaroon ng contingency plans lalo na sa pagpapalakas ng health care capacity bago luwagan ang lockdown.
Kumpyansa rin ang kongresista na bunsod ng mataas na vaccination rate sa National Capital Region (NCR) ay may sapat na batayan ang IATF para aralin at ikunsidera ang posibleng pagpapababa ng alert level.
Sa ngayon nasa 80% na ng residente sa Metro Manila ang fully vaccinated habang 96% na ang nakatanggap ng first dose ng COVID-19 vaccine.