Tuloy-tuloy ang pag-iikot ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga komunidad para sa kanilang Health Caravan.
Ngayong araw, aabot sa 300 na kababaihan ang target nilang mabiyayaan ng tulong bilang bahagi ng kanilang programa.
Ito’y pakikiisa na rin sa pagdiriwang ng International Women’s Month.
Ayon kay Jennifer de Guzman, Administrator ng Red Cross Marikina, dapat na mabigyan ng pagkilala ang mga kababaihan lalo na ang mga Ina dahil sila ang ilaw ng tahanan.
Kasama sa mga inihatid ng PRC ang libreng health consultation na may kasamang gamot, bloot type test, hygiene promotion, first aid lecture at gupit.
Samantala, maliban dito, mayroon din silang blood donation para sa mga nais mag donate ng dugo.
Matapos ang Marikina, sunod naman na pupuntahan ng PRC Health Caravan ang Pasig.