Health card ng mga pulis, maibibigay na sa susunod na buwan

Matatanggap na ng mga pulis sa susunod na buwan ang kanilang health maintenance organization card.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, ang bawat health card ay naglalaman ng P40,000.

Maliit man ang katumbas na halaga, tiniyak niyang malaki ang maitutulong nito sa mga pulis.


Nauna nang sinabi ng PNP Chief na sisikapin niyang mabigyan ng libreng health card ang bawat pulis lalong-lalo na ang mga nasa malalayong probinsiya.

Samantala, sinabi rin ni Marbil na bagama’t direktiba niya ang pagde-deploy nang mas maraming pulis sa lansangan, ang kanilang oras sa trabaho ay dapat hanggang 8 oras lamang upang mas magkaroon ng mahabang panahon sa kanilang pamilya.

Facebook Comments