Health care at maternal services, kukulangin kahit maipatupad ang RH Law

Manila, Philippines – Nababahala si Gabriela Rep. Emmi de Jesus na hindi pa rin matutugunan ang pangangailangan ng mga kababaihan para sa free healthcare at maternal services.

Ito ay sa kabila ng re-certification ng FDA sa 51 contraceptives kung saan pinaghahandaan na ang pamamahagi ng mga birth control kasabay na rin ng pagpapatupad ng RH Law.

Sinabi ni de Jesus na hindi lamang dapat nakasentro sa pamamahagi ng contraceptives ang full implementation ng RH Law dahil sakop din ng batas na ito ang free at comprehensive access sa health services para sa mga kababaihan.


Hinamon ni de Jesus si DOH Sec. Francisco Duque na lawakan ang component ng batas.

Pinakikilos ng kongresista ang ahensya sa basic health care services sa mga malalayong probinsya at pagtatayo ng mga public hospitals.

Dapat aniyang hayaang magdesisyon ang mag-asawa kung ilan ang gustong maging anak at papiliin kung anong family planning ang aakma sa kanila at hindi basta na lamang ipapatupad at ipapamahagi sa mga mag-asawa ang mga contraceptives.

Facebook Comments