Manila, Philippines – Tuluyan nang binawi ni President Donald Trump ang isinusulong nitong bagong health care act matapos itong mabigong makakuha ng boto sa US House of Representatives.
Hindi kasi naabot ng house leaders ang minimum na bilang na 215 republican votes na kinakailangan para maipasa ito.
Ayon kay House Speaker Paul Ryan, ang may akda ng panukalang batas, ito na ang nakakadismayang araw ng mga republicans.
Ikinatuwa naman ng Democrats ang nangyari sa tinaguriang Trumpcares na isang malaking kabiguan para kay Trump.
Dahil dito, pinayuhan ng ilang Republicans na ituon na lamang ni President Trump ang kaniyang atensyon sa tax reform.
Facebook Comments