HEALTH CARE MISSION, ISINAGAWA SA BAYAN NG BINALONAN

Matagumpay na naisagawa ang isang Health Care Mission sa bayan ng Binalonan kung saan namigay ng wheelchair, prosthesis, Eyeglasses ang tanggapan ni Congressman Ramon Guico Jr.
Nagbigay rin ng Vision Screening para naman sa mga kabataan na nakararanas na ng panlalabo ng mata.
Ang naturang programa ay nakatuon sa mga taga 5th District kung saan maraming residente ang nakinabang rito lalo na ang mga mamamayan ng Binalonan, Urdaneta, Sison at Laoac.

Isa naman sa mga sumama at nagbigay ng serbisyong publiko ay mga doctor mula sa Physicians for Peace – Philippines at mga miyembrong bumubuo sa programa kung saan malaki naman ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan.
Ang programa rin na ito ay naisagawa sa tulong ng tanggapan ng Provincial Governor, Municipal Mayor ng Binalonan, at Presidente ng Region 1-Congressional Spouse of the Philippines. |ifmnews
Facebook Comments