Manila, Philippines – Pinuri ng Department of Health (DOH) ang pagratipika ng Senado sa bicameral conference committee report ukol sa Universal Health Care (UHC) bill.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, mahalaga ito lalo na sa pagsusulong ng mahusay na health care system sa Pilipinas.
Aminado si Duque na marami pang kailangang gawin subalit simula ito ng pagbabagong matagal na nating hinahangad.
Kapag naging batas ang UHC bill, maihahatid sa bawat Pilipino ang quality at affordable health services.
Ang Bicam conference panel ay pinangunahan nina Senador JV Ejercito at Congressman Helen Tan na siyang mga may-akda at sponsor ng panukala.
Facebook Comments