Health care utilization rate sa bansa, nasa 50% ayon sa DOH

Okupado na ang 50% na pasilidad para sa COVID-19 sa bansa.

Nilinaw naman ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na may pagtaas na sa health care utilization rate sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Bunga nito, binibilisan na ng Department of Health (DOH) ang pagdagdag ng mga pasilidad para sa COVID-19.


Kasama rito ang 240 ICU beds sa mga ospital sa Metro Manila kabilang ang Lung Center of the Philippines, East Ave Medical Center, Quirino Memorial Medical Center at National Center for Mental Health.

Bukod pa ito sa nabuksan na sa Visayas na 314 isolation beds at 210 ICU beds gayundin ang 190 ICU beds at 306 isolation beds sa Mindanao.

Sa Luzon naman ay nadagdagan na ng 756 ang ICU bed capacity habang 332 sa isolation beds.

Bukod pa ito sa mga itatayong tents sa ilang mga ospital at pagkakaroon ng sapat na suplay ng oxygen at iba pa.

Facebook Comments