Health care utilization rate sa bansa, patuloy na tumataas

Patuloy na dumadami ang mga pasyenteng dinadala sa mga ospital na tinatamaan ng COVID -19.

Ayon kay Dr. Anna Lisa Ong-Lim ng Department of Health – Technical Advisory Group, maraming pasilidad sa Metro Manila at sa karatig-lalawigan ang nasa kritikal na ang sitwasyon

Aniya, sa pangkalahatan ay nasa 62.4% o moderate ang bed occupancy sa bansa.


Nasa 70% ang Intensive Care Unit (ICU) utilization rate habang ang COVID ward ay lagpas 60% na ang utilization rate.

Tinukoy rin ni Ong-Lim na halos 60% na ring okupado ang mga isolation facility sa bansa.

Facebook Comments