Health care utilization rate sa ilang bahagi ng bansa, tumataas na

Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng pagtaas sa bilang ng mga nao-ospital dahil sa COVID-19 sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon kay Dr. Ronald Law, Direktor ng DOH Health Emergency Management Bureau, kabilang na ang ilang lugar sa Metro Manila na nakapagtatala ng pagtaas ng health care utilization rate.

Gayundin ang Northen Luzon, Visayas at maging sa ilang bahagi ng Mindanao.


Ayon sa DOH, ang mga lugar na ito ay tinututukan na nila at dinagdagan na ng hospital beds at health workers.

Facebook Comments