Health care utilization sa bansa, tumungtong na sa moderate risk

Kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa moderate risk category na rin ang ating health care utilization.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni One Hospital Command at Treatment Czar Usec. Leopoldo Vega na sa ngayon ay nasa 60% na ang health care utilization lalo na sa Metro Manila habang nasa 76% na ang utilization ng ICU beds.

Ayon kay Vega, may ginagawa nang hakbang ngayon ang pamahalaan lalo na’t karamihan ng naitatalang new active cases ay mild at asymptomatic.


Ani Vega, 97% ng mga bagong kaso ay mild at asymptomatic kung saan sa mga isolation facilities muna dapat silang manatili at magpagaling.

Paglilinaw nito ang mga ospital ay laan lamang sa mga severe cases dahil kumpleto ang gamit dito.

Sa ngayon, may tinatapos pa ang gobyerno na mga bagong quarantine o isolation facilities at pagsapit ng Abril ay magagamit na ang pinagawang modular hospital sa Quezon Institute na kayang mag-accomodate ng higit sa 100 moderate at severe COVID-19 patients.

Facebook Comments