Health care workers na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa 13,510 – DOH

Umabot na sa 13,510 ang bilang ng health care workers ang tinamaan ng COVID-19.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 248 na bagong kaso sa nakalipas na linggo.

Aabot naman sa 13,131 ang gumaling habang nasa 303 medical workers ang active cases o sumasailalim sa treatment of quarantine.


Nananatili sa 76 ang bilang ng health care workers na namatay mula sa sakit.

Ang nurses ang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 na nasa 4,756 infections, kasunod ang doctors (2,233), nursing assistants (1,007), medical technologists (667), at midwives (458).

Higit 500 non-medical personnel ang kasama rin sa talaan.

Facebook Comments