Inendorso na ni Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara sa plenaryo ang panukalang 4.1 trillion pesos na 2020 national budget.
Pagmamalaki ni Angara, sa bersyon senado ng budget ay prayoridad ang education, health at social welfare programs kung saan ang kanilang mga ammendments na ipinasok ay “targeted at transparent.”
Kabilang sa mga binanggit ni Angara na pangunahing dinagdagan ang pondo ay para sa pagsasaayos ng mga eskwelahan na nasira ng lindol, free college, school feeding, tulong sa mga mahihirap na maysakit, at budget para sa deployment ng mga nurse at doktor doctors sa mga mahihirap na lugar.
Paliwanag pa ni Angara, ang mga budgetary augmentations na kanilang ginawa ay base sa request ng mga kinauukulang departamento.
Sabi ni Angara, dinagdagan ng 6.2-billion pesos ang budget ng Department of Education habang dinagdagan naman ng 8.5-billion pesos ang student financial assistance program ng Commission on Higher Education.
167 million pesos naman ang nakalaan sa cash grants para sa medical scholars sa mga state universities and colleges.
Binanggit ni Angara na 108.7-billion pesos ang inilaan nilang budget para sa pantawid pamilyang pilipino program ng department of social welfare and deveopment.
Habang itinaas nila sa 6.6-billion pesos ang pondo para sa supplementary feeding program ng DSWD.