Health emergency response team ng halos 900 barangays sa Maynila, naka-activate na kaugnay ng nCoV threat

Nakahanda na ang 896 barangays sa Maynila para sa kanilang magiging hakbang sakaling may constituents silang makitaan ng sintomas ng 2019 novel coronavirus o nCoV.

Kasunod ito ng direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng barangay na bumuo ng health emergency response team laban sa nCoV.

Kaakibat nito ang pagtuturo sa mga tao kung papaano makakaiwas na mahawaan ng virus at kapag may sintomas na naramdaman ay kung ano ang tamang gagawin.


Samantala, inatasan naman ni Mayor Isko Moreno si Manila Department of Public Services Chief Kenneth Amurao na paalisin na sa paligid ng San Lazaro Hospital sa Sta. Cruz Street ang informal settlers.

Layon nito na matiyak ang kanilang kaligtasan lalo nat naka-confine doon ang dalawang pasyenteng nag-positibo sa nCoV.

Naka-high alert na rin ang barangay health centers at city hospitals sa Maynila para sa posibleng referrals mula sa barangay leaders na may ka-barangay na makikitaan ng sintomas ng nCoV.

Facebook Comments