Maaga pa para alisin ang estado ng health emergency sa Pilipinas dahil sa pandemya.
Kaugnay ito sa naunang pahayag ni infectious disease expert Rontgene Solante hinggil sa nalalapit na pagiging endemic ng COVID-19 virus.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated (PHAPi) President Dr. Jose Rene de Grano na hindi muna dapat magluwag ng health protocol sa bansa lalo na ngayong nalalapit na ang panahon ng Kapaskuhan.
Aniya, hindi pa rin tuluyang bumababa ang bilang ng mga naitatalang na-o-ospital dahil sa virus.
Dagdag pa ni De Grano, mas mabuting obserbahan muna ang kalagayan ng kalusugan sa Pilipinas hanggang sa unang bahagi ng 2023 bago bumuo ng desisyon hinggil sa tuluyang pag-aalis ng health emergency sa bansa.