Health expert, binatikos ang pagpapabakuna ng apat na doses ng COVID-19 vaccine ni San Juan City Rep. Ronaldo Zamora

Hindi tama at hindi dapat kunsintihin ang ginawa ni San Juan City Rep. Ronaldo “Ronny” Zamora na nagpabakuna ng apat na doses ng COVID-19 vaccine.

Ito ang reaksyon ni Dr. Lulu Bravo, Executive Director ng Philippine Foundation for Vaccination at Chairperson ng National Adverse Events Following Immunization Committee sa interview ng RMN Manila.

Ayon kay Bravo, labag sa batas ang ginawa ni Zamora dahil wala pang desisyon o rekomendasyon ang mga eksperto para sa booster shot.


Binigyang-diin pa ni Bravo na marami pang mahihirap ang mas nangangailangan ng bakuna kumpara kay Zamora.

Naniniwala ang health expert na dapat ay may maparusahan sa ginawang booster shot ng mambabatas.

Facebook Comments