Health experts, nagbabala sa posibleng epekto ng Delta variant sa healthcare system ng PH

Nagbabala ang health experts na ang posibleng magdulot ng matinding pressure ang COVID-19 variant sa healthcare system ng bansa kung hindi mapipigilan ang pagkalat nito.

Ayon kay Dr. Edsel Salvana, isang infectious disease expert, tinawag niyang “fastest” at “fittest” ang Delta variant.

Aniya, tatlong beses itong mas nakakahawa kumpara sa original COVID-19 strain.


Mahirap kapag nasagad ang healthcare system ng bansa dahil mas maraming pasyente ang magkakasakit at maging ang mga bata ay maaaring mag-develop ng severe form ng sakit.

Dagdag pa ni Salvana, ang Delta variant ay mayroong “1,000 times” na virus particles kumpara sa original virus.

Kung dati ay inaabot ng tatlong araw bago nila ma-infect ang ibang tao, ngayon ay aabutin lang ng 30 oras.

Sinabi ni Salvana na ang susi para matalo ang Delta variant at iba pang variants of concern ay sa pamamagitan ng vaccination at pagsunod sa health protocols.

Sinabi naman ni Department of Health (DOH) – Technical Advisory Group (TAG) member Dr. Anna Ong-Lim, dapat tiyaking handa ang healthcare system ng bansa para ma-manage ang posibleng surge ng COVID-19 cases.

Nanawagan din sila sa mga local government units (LGUs) na palakasin ang granular lockdowns kung kinakailangan at ang kanilang disease surveillance.

Mahalaga ring naipapatupad ang border control.

Facebook Comments