HEALTH EXPERTS PINAG-IINGAT ANG PUBLIKO SA MGA WATER BORNE DISEASE

Pinag-iingat ngayon ng health experts ang publiko sa iba pang water borne diseases na maaaring makuha ngayong tag-ulan.
Ilan sa mga binabantayang sakit ay dengue, leptospirosis at ang sakit na chikungunya.
Sa tala ng Center for Health Development I, nasa 4 na ang kaso ng chikungunya sa lalawigan ng Pangasinan mula pa enero hanggang Mayo.

Ang chikungunya ay tulad ng sakit na Dengue at Malaria, ito ay naipapasa sa tao sa pamamagitang ng kagat ng lamok.
Ang mga sintomas ng Chikungunya na lalabas matapos ang tatlo hanggang pitong araw matapos makagat ng lamok ay ang mga sumusunod: pananakit ng ulo, lagnat, labis na pamamaga at pananakit ng mga kasukasuan, mga pantal at pagsusuka. | ifmnews
Facebook Comments