Umakyat na sa 67 ang bilang ng mga napinsalang health facilities sa bansa na sinalanta ng Bagyong Rolly ayon sa Department of Health o DOH.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 6 dito ay mga pasilidad ng Department of Health.
3 ang ospital ng lokal na pamahalaan o LGU hospitals; 15 ang Rural Health Units o RHU at 39 ang Barangay Health Stations o BHS sa Bicol Region.
Mayroon din aniyang 2 RHU at 2 BHS sa Region 4-A na nasira.
Bukod pa rito ang 30 Temporary Treatment and Monitoring Facilities o TTMF sa Bicol Region na napinsala rin ng Bagyong Rolly.
8 rito ay nasa Albay, 17 sa Camarines Sur at 5 sa Camarines Norte.
Tiniyak naman ni Vergeire na patuloy na naka-monitor at ang assessment ng DOH sa sitwasyon ng mga pasilidad na naapektuhan ng bagyo.
Nagkakaloob din aniya ang DOH ng ayuda para maisaayos ang mga napinsalang health system para mapabilis ang panunumbalik ng kanilang mga serbisyo.