HEALTH FRONTLINERS SA PANGASINAN, PATULOY NA SINUSUPORTAHAN

Pinagtibay ng Department of Health Pangasinan ang suporta sa mga health frontliner sa pamamagitan ng PS National Health Workforce Support System ( NHWSS) at Human Resources for Health (HRH) Program Review and Assembly na ginanap sa Urdaneta City.

Dito, tinalakay ang progreso, tagumpay, at hamon sa pagpapatupad ng mga programa, at pinalakas ang kooperasyon at pagbabahagi ng best practices upang mapabuti ang serbisyong pangkalusugan sa lalawigan.

Pinagdiwang din ang Panagdayew 2025, na nagbibigay pagkilala sa dedikasyon at serbisyo ng HRH personnel sa implementasyon ng Universal Health Care at sa pagsuporta sa mga lokal na inisyatiba para sa kalusugan ng bawat pamilya.

Facebook Comments