Health inspections sa workplaces, dapat sipagan pa ng DOLE makaraang magpositibo sa COVID-19 ang 300 manggagawa sa Taguig

Ikinaalarma ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang report na nasa 327 manggagawa sa isang construction site sa Taguig City ang nagpositibo sa COVID-19.

Diin ni Villanueva, dapat magsilbing wake-up call ito sa Department of Labor and Employment (DOLE) para paigtingin ang inspections sa workplaces.

Ayon kay Villanueva, ito ay para matiyak na naipapatupad nang mahigpit ang occupational safety and health protocols laban sa pagkalat ng COVID-19.


Sabi ni Villanueva, dapat ding siguraduhin na nasusunod ang patakarang inilabas ng DOLE at ng Department of Trade and Industry (DTI) noong Mayo na nag-uutos ng pagkakaroon ng safety officers na siyang magbabantay sa implementasyon ng COVID-19 prevention and control measures.

Paalala ni Villanueva, responsibilidad ng mga safety officer na magpatigil ng trabaho kaagad kapag may kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar-paggawa at trabaho rin ng mga ito na tiyakin ang kaligtasan ng mga manggagawa.

Facebook Comments