Health Monitoring sa District 3, Isinagawa ng CHO

Cauayan City,Isabela – Isinagawa ngayong araw, Pebrero 13 ang barangay health monitoring ng City Health Office (CHO) sa Barangay District 3, Mabini Street Cauayan City.

Ayon kay Ms. Crizanta Marquez, Nurse ng CHO, regular na aktibidad lamang umano ito upang malaman ang kalagayan ng kalusugan ng mga tao sa isang barangay.

Kanyang ibinahagi sa RMN Cauayan News Team na kada buwan ginagawa ang health monitoring kung saan nagsasagawa ng pagbakuna at pagtimbang sa mga sanggol.


Blood pressure at dental check-up naman ang pangunahing isinasagawang serbisyo para sa mga matatanda at may edad na.

Bahagi din umano ng nasabing aktibidad ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa family planning, droga, HIV/AIDS, sakit na Tuberculosis (TB), at anti- rabies.

Kasama sa nasabing aktibidad ang ilang Barangay Health Workers (BHW) at Barangay Population Workers (BPW) na isinagawa mismo sa barangay hall ng District 3 sa Mabini Street Cauayan City.

Facebook Comments