Tapos na ang pagbibigay ng sanitary permit sa mga water refilling station sa Dagupan City ayon sa City Health Office ng Dagupan. 83 refilling station na ang nabigyan ng CHO at mayroon na lamang 15 na natitira upang masigurado na lahat ng water refilling station ay sumusunod sa standard ng CHO at ng Department of Health o DOH.
Ito ay nasa Presidential Decree 856 o ang DOH Implementing Rules and Regulations of the Sanitation Code of the Philippines. Ayon kay Mr. Marlon Quebral Sanitation Division Chief taon taon dapat dumaan sa biological examination ang mga ito upang malaman kung maaring inumin ang tubig na ipinagbibili sa mga konsumer.
Iginiit din ni Quebral na kung hindi sigurado sa tubig na iinumin mas mabuti na lamang na “back to basic.” Pakuluan ito at ilagay sa refrigerator upang makasigurado dahil ang importante ay mamatay ang bacteria. Ang mga empleyado ng water refilling station sa lungsod ay obligadong magpamedikal at maipasa ang mga pagsusuri sa CHO upang masiguro na walang sakit ang mga ito ng ligtas ang bawat iinom ng tubig na ipinagbibili.