Hindi pa opisyal na idineklara ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration o PAGASA ang Summer ngunit ang City Health Office ng Dagupan City ay pinag-iingat na sa sakit na Tigdas.
Sa ngayon wala pang naitalang kaso ng Tigdas sa Dagupan City at patuloy itong babantayan at bibigyang paalala ang publiko upang maiwasan dala ng init ng panahon.
Ayon kay Dra. Ophelia Rivera Head Officer ng City Health Office o CHO huwag munang ikonsidera na tigdas ang kaso ng pasyente kung sila ay mayroong rushes o pantal sa katawan dahil baka ito lamang ay skin irritation. Makukumpirma ang sakit na tigdas sa pamamagitan ng pageexamine ng dugo ng pasyente.
Paalala nii Dra. Ophelia Rivera na iwasan ang paninigarilyo dahil isa to na dahilan para madaling kumapit ang sakit na tigdas. Siguraduhin din na kumpleto ang tulog dahil isa ito na nakakapagpalakas ng katawan ng tao. Dagdag ng CHO na sa mga magulang maari nilang dalhin ang kanilang mga anak na 1 year old pababa sa malapit na Health Center sa kanilang lugar para mabigyan sila ng Iwas tigdas vaccination dahil ito ay libre at para maiwasan ang tigdas hanggang sa kanilang paglaki.
Ulat ni Mark Lawrence Berot