Health OIC Vergeire, ipinauubaya na kay PBBM ang desisyon kung itatalaga siyang kalihim ng DOH

Ipinauubaya na ni Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung itatalaga siya nito o hindi bilang kalihim ng Department of Health (DOH).

Ito’y matapos italaga ng pangulo sina Atty. Cheloy Garafil bilang Presidential Communications Office secretary at Carlito Galvez Jr., bilang defense secretary mula sa pagiging officer-in-charge.

Ayon kay Vergeire, kung siya ang mapipiling kalihim ay itutuloy-tuloy ang ginagawa sa ngayon para mas magawa ang mga reporma sa ahensya.


Nilinaw rin ni Vergeire na hindi naaangkop sa kanya ang memorandum circular ng Palasyo sa deadline ng panunungkulan ng mga OIC sa mga Executive agencies kaya “walang timeline” sa kanyang appointment bilang OIC.

Matatandaang inihayag ni PBBM na magtatalaga ito ng full-time health secretary kapag naging normal na ang sitwasyon sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments