Health package para sa dumaraming may problema sa mental health, hiniling ng isang senador sa PhilHealth

Iginiit ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bumuo ng komprehensibong mental health package kasama ang konsultasyon at iba pang outpatient services.

Diin ni Go, hanggang kaya ng PhilHealth ay dapat nitong lawakan ang tulong para sa mga may mental at behavioral conditions.

Umapela ang senador sa Department of Health o DOH na palawakin ang Medicine Access Program for Mental Health para masaklaw ang mas maraming Pilipino na nangangailangan ng mental health medicines.


Paliwanag pa nito, mahalaga na makarating sa malalayo at liblib na lugar ang serbisyo na katulad ng ipinagkakaloob ng National Center for Mental Health sa Mandaluyong City.

Ang nabanggit na mga kahilingan ni Go sa PhilHealth at DOH ay kasunod ng pahayag ng mga eksperto na patuloy na dumarami ang dumaranas ng depresyon at mental health problem sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments