Mananatili pa rin ang paggamit ng One Health Pass sa mga umuuwing OFW at non–OFW sa bansa.
Ayon Kay Manila International Airport Authority (MIAA) Spokesperson Connie Bungag, ang One Health Pass ay isang online platform na naglalayong isulong ang maginhawa at tuluy-tuloy na paggalaw ng international travelers mula sa pag-alis sa bansang pinagmulan hanggang sa pagdating sa Pilipinas.
Paliwanag pa ni Bungag bagama’t inalis na ng pamahalaan ang ilang mga requirements sa mga dumarating na pasahero sa paliparan galing ibang bansa gaya ng facility-based quarantine at negative RT-PCR test result sa mga fully vaccinated na pasahero.
Dagdag pa ni Bungag, mas madali na ang pag-register at pagproseso ng One Health Pass sa mga dumarating na pasahero sa paliparan.
Pagkatapos mag-register ang isang pasahero sa One Health Pass dito na makakakuha ng isang QR code at i-screenshot pagdating sa NAIA at ipapakita ito sa mga doctor mula sa Bureau of Quarantine (BOQ).
Aminado din si bungag kung may mga hindi ma-verify sa narehistrong One Health Pass ay inihihiwalay naman ito ng mga tauhan ng BOQ.
Ilan kasi sa mga dahilan kung bakit hindi ma-verify ay dahil hindi kwalipikado ang in-upload na vaccination card.
Kabilang sa mga tatangapin na proof of vaccination ay ang World Health Organization (WHO) Certificate of Vaccine, VaxCertPh, National o State Manual or Digital Vaccine Certificate of the Foreign Country at iba pang patunay na vaccine card na aprubado ng Inter-Agency Task Force (IATF).