HEALTH PERSONNEL SA MGA PASILIDAD NG LABRADOR, KULANG UMANO

Tahasang ibinahagi sa social media ng lokal na pamahalaan ng Labrador ang kakulangan ng doktor at nurse para sa kabuuang populasyon ng bayan sa ginanap ng Local Health Board Meeting ngayong kwarter.

Batay sa social media post ng tanggapan, kinakailangan pa ng walong doktor at labing siyam na nurse sa Rural Health Unit ng bayan upang maging sapat ang health personnels sa population ratio ng bayan.

Tinalakay din sa pagpupulong na ibinaba na sa primary level ang laboratoryo dahil sa license modification na itinakda ng Department Of Health.

Inamin ng lokal na pamahalaan na limitado ang kapasidad na magdagdag ng health personnels ng bayan dahil limitado rin ang budget allocation bilang isang 3rd-class municipality.

Bagaman maaaring makaapekto sa accomplishment ng bayan bilang Seal of Good Local Governance Awardee, positibo na ito’y masosolusyonan at magpapatuloy ang operasyon para sa mga residente.

Nakatakda naman isali ang iba pang lokal ahensya ng gobyerno sa susunod na Local Health Board meeting ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments