Amerika – Nanghihinayang ngayon ang country legend na si Kenny Rogers dahil hindi na raw ito makakapagpasalamat at makakapagpaalam ng maayos sa kanyang mga fans matapos ang hindi inaasahang pagkansela sa natitirang show sa kaniyang farewell tour.
Pinayuhan na kasi si Rogers ng kanyang mga doktor na mag-focus sa pag-alaga sa kanyang kalusugan lalo na at nasa 79-anyos na siya.
Nabatid na mayroon pa sanang performance si Rogers sa New York at California pero kailangan na muna niyang magpahinga.
Bukod kay Rogers, nanghihinayang din ang mga fans sa nasabing mga bansa dahil hindi na nila maririnig ng live ang mga hit songs nito tulad ng “Lady,” “The Gambler,” “You Decorated My Life,” ‘Through The Years,” at iba pa.
Facebook Comments