Health protocol, dapat pa ring sundin kahit nabakunahan na – Palasyo

71

Nagpaalala ang Malacañang sa lahat na ugaliin pa ring magsuot ng face mask at physical distancing kahit naturukan na ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, patuloy pa rin silang makikiusap sa publiko lalo na sa mga nabakunahan na na sundin ang pandemic precautions.


Ang COVID-19 vaccine ay hindi alternative sa minimum public health standards.

Dagdag pa ni Roque, magiging apat na ang kanilang paalala: “Mask,” “Hugas,” “Iwas,” at “Bakuna”

Facebook Comments