Health protocol sa mga bazaar at pamilihan ngayong holiday, pinasisiguro ng PNP

Pinayuhan ni Philippine National Police Chief Police General Guillermo Eleazar, ang mga event organizers na siguruhing masusunod ang health protocol sa mga bazaar at pamilihan ngayong holiday season.

Ayon kay PNP chief, bagama’t inatasan ang mga pulis at unit commanders na magbantay sa mga matataong lugar at makipag-ugnayan sa mga Local Government Unit (LGU), dapat pa rin makiisa ang mga event organizer at gawin ang kanilang responsibilidad.

Partikular na pinatitiyak ni Eleazar, ang pagsunod sa physical distancing kung may kaugnayan sa pagkain ang event, dahil kinakailangan ditong tanggalin ang face mask.


Muli nyang apela niya sa publiko, huwag magpaka-kumpiyansa sa pamimili sa Divisoria o sa mga tiangge lalo’t siksikan.

Dahil baka nakapamili nga ng mura pero mapapagastos naman ng malaki dahil sa pagpapagamot.

Facebook Comments