Kasabay ng pagbaba ng Metro Manila sa Alert Level 1 noong March 1 ay siyang biglang pagdami rin ng health protcol violators nito.
Ito ang sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Felipe Natividad kung saan nakapagtala ng 4,209 katao na lumabag sa minimum public health standards mula Pebrero 28 hanggang Marso 1.
Mas mataas ito ng mahigit 13 percent sa naitalang 3,713 health protocol violators noong nakaraang linggo.
Umakyat din sa 19 ang mga lugar na isinailalim sa granular lockdown mula sa 15.
Sa kabila nito, patuloy pa rin aniya ang pagpapatupad ng IATF guidelines ang NCRPO sa 34 quarantine control checkpoints sa National Capital Region (NCR).
Facebook Comments