Health protocols at seguridad sa Baclaran Church, mahigpit na ipinapatupad ngayong Ash Wednesday

Patuloy na dumadagsa ang mga tao sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help o Baclaran Church.

Sa pagpasok pa lang ay mahigpit na ipinatutupad ang health protocols kung saan ilan sa mga ito ay ang pagkuha body temperature, foot bath at pagsagot sa health declaration form.

Nasa 600 hanggang 700 ang maaaring makapasok sa loob ng simbahan matapos payagan ang 50-percent capacity ng maaaring makapasok.


May markings sa paligid ng simbahan at mga security personnel na siyang nag-iikot para maipatupad ang inilatag na health protocols.

Mahigpit din ang ipinatutupad na seguridad ng pulisya sa loob at labas ng simbahan para sa kaligtasan ng mga magsisimba.

Nagsimula naman ang misa kaninang alas-5:30 ng umaga at ang huling misa ay mamayang alas-7:00 ng gabi.

Facebook Comments