Health protocols, dapat mahigpit na ipinapatupad sa jail facilities ayon sa DOH

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa jail authorities na dapat mahigpit na ipinapatupad ang health protocols sa loob ng mga bilangguan.

Ito ay kasunod ng pagkamatay ng 19 na inmates sa New Bilibid Prisons (NBP) dahil sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat isinasagawa ang health screening at contact tracing sa mga kulungan.


Ang mga inmate na nasa kritikal na ang kondisyon ay dapat ilabas sa jail facility at agad isugod sa ospital.

Ang management ng COVID-19 situations sa mga bilangguan ay isinasagawa katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ipinapaubaya na rin ng DOH sa Department of Justice (DOJ) ang validation kung ang mga namatay na inmate sa Bilibid ay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments