Health protocols, dapat tiyaking naipapatupad sa mga evacuation center kung saan namamalagi ang mga biktima ng Bagyong Dante

31

Pinapatiyak ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa Local Government Units (LGUs) na naipapatupad nang mahigpit ang health protocols sa mga evacuation center kung saan namamalagi ang mga biktima ng Bagyong Dante.

Paliwanag ni Go, dapat maproteksyunan laban sa COVID-19 ang mga biktima ng kalamidad.


Sinabi ni Go na kung siksikan at hindi maisagawa ang social distancing ay pwede namang gamitin ang iba pang mga eskwelahan dahil wala naman ditong klase.

Diin ni Go, ang importante ay komportable, maayos ang kondisyon at ligtas laban sa COVID-19 at iba pang sakit ang mga nasa evacuation centers.

Kaugnay nito ay plano rin ng tanggapan ni Go na magsagawa relief distribution activities sa mga komunidad na sinalanta nang matindi ng Bagyong Dante.

Facebook Comments