Health protocols kaugnay sa COVID-19, patuloy na ipapatupad sa SONA ni PBBM

Patuloy na ipapatupad ng Kamara ang nakalatag na health protocols sa ikaapat na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos.

Nakasaad ito sa memorandum na nilabas ni House Secretary General Reginald Velasco na layuning mapigilan ang COVID-19 infection.

Tinukoy sa memorandum ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang bansa sa Southeast Asia gaya ng Hong Kong, Singapore, China at Thailand.

Inaatasan din ni Velasco ang tanggapan sa Kamara na nakapagtala ng COVID-19 positive patients na magpatupad ng mandatory na pagsusuot ng face masks sa mga personnel sa loob ng sampung araw upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Base sa memorandum, dapat namang mag-isolate o manatili muna sa tahanan sa loob ng limang araw ang pasyenteng may COVID-19.

Pinagsusumite naman ng medical clearance ang immunocompromised patients at ang mga nakaranas ng moderate hanggang severe na sintomas.

Facebook Comments