Naniniwala ang Department of Health (DOH) na mahalaga pa rin ang ipinatutupad na health protocols sa bansa para maprotektahan ang publiko sa harap ng mga ulat na COVID-19 ay maaaring ipasa sa pamamagitan ng hangin.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy nilang ina-assess ang mga nakakalap nilang findings.
Pero ang mahalaga ay mayroong protocols na dapat sundin para protektahan ng publiko ang kanilang sarili mula sa transmission.
Sinabi naman ni World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, ang mga particles na lumalabas sa pamamagitan ng pagsasalita, pagbahing at pag-ubo ay maaaring makontrol sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask.
Kailangan munang beripikahin ang mga pag-aaral na maaaring maipasa ang virus sa pamamagitan ng airborne transmission, pero sa ngayon ay dapat ibayong pag-iingat pa rin ang gawin.
Samantala, ang COVID-19 variant na unang na-detect sa Pilipinas o ang P.3 variant ay nakikitaan ng mataas na transmissibility.