Maituturing na calibrated move ang pagpapaluwag ng physical distancing measures sa mga pampublikong transportasyon.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, magdagdag ng health protocols ang pamahalaan para maiwasan pa rin ang hawaan ng COVID-19.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng National Action Plan Phase 2, kung saan binabalanse na ang kalusugan at ekonomiya.
Ang paglalagay sa 0.75 meter mula sa 1 meter ang physical distancing sa public transport ay makatutulong para guminhawa ang biyahe ng mga pasahero at mga manggagawang pumapasok sa kanilang mga trabaho.
Iginiit ni Nograles na masusing pinag-aralan ang hakbang na ito at hindi naman nila ito papayagan kung ito ang magiging mitya ng pagkalat ng sakit.
Nabatid na sisimulan nang ipatupad ang pinaluwag na physical distancing measures ngayong araw.