Bukas si Health Secretary Francisco Duque III sa mga mungkahing isapribado ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para mabawasan ang korapsyon sa ahensya.
Sa pagdinig ng Senado sa proposed ₱203.74 billion budget para sa 2021, sinabi ni Duque na ang pag-outsource at pagsasapribado ng ilang bahagi ng PhilHealth gaya ng pagpoproseso ng claims at benefits, counter fraud at risk management ay maaaring makatulong para mawala ang korapsyon sa ahensya.
Naniniwala si Duque na mapapahusay nito ang management sa loob ng PhilHealth na balot ng maraming iregularidad.
Matatandaang inirekomenda ng Senado na kasuhan si Duque at iba pang matataas na opisyal ng PhilHealth dahil sa maanomalyang paggamit ng pondo ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM), bagay na itinanggi ni Duque ang pagkakasangkot sa anomalya.